Saturday, December 28, 2013

Lovers huli sa drug bust

Timbog ang mag-live in partner na matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa Cagayan de Oro City.


Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Agent Ben Calibre, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug buy-bust operation sa mismong inuupahan nitong bahay sa Sto Nino, Barangay 31, sa lungsod.



Kinilala ang mga suspek na sina Alimosa Abubakar, 21, at Nurhani Salumabao, kapwa residente ng Marawi City subalit pansamantalang naninarahan sa nasabing barangay.


Sinabi ni Calibre na matagal na nilang sinusubaybayan ang galaw ng dalawa at nang makumpirma ang ilegal na gawain nito ay saka nagsagawa ng operasyon at naaresto ito.


Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang sachet ng shabu, P500 marked money at ang tinatayang 44 sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng P500,000.


Ayon kay Calibre, nakuha rin nila ang 26 bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.


Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o violation of Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Lovers huli sa drug bust


No comments:

Post a Comment