Ni Pau Aguilera
IBINUNYAG ng bagong Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago na ang kanyang ikalawang selfie kasama si Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa pagbisita niya kamakailan sa Palasyo “was actually a dare.”
“Of my PR, sa Binibini, kasi she was like, ‘If I did it, why can’t you?’ Okay, I was like, ‘No, I’m gonna do this,’ then, I just did it,” kuwento ni Bea sa “Ikaw Na!” segment ng Bandila. Paano siya humingi ng permiso para sa litrato? Natatawang sumagot ang fashion model-turned-beauty queen ng, “Medyo… pero diretso na, so parang, ‘Wala ka nang magagawa (Mr. President)!’”
Kinunan ni Bea ang unang selfie niya kasama ang Pangulo nang magkita silang dalawa sa ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan, noong Disyembre 12, isang linggo bago siya kinorohanan bilang Miss International 2013.
Mahaba ang kanilang usapan ng pangulo sa kanilang unang pagkikita.
“And it was mostly about Tacloban, kasi I wanted to go, and also about the time that he visited Tokyo, what was the purpose.”
Nagkaroon din ng pagkakataon si Bea na talakayin ang ilan sa mga gawain ng punong ehekutibo ng bansa, at inilarawan na “overwhelming” ang naturang karanasan.
“He showed me a book of what he does every day, kasi I said na the UN (United Nations) is my dream job, so he said, ‘Okay. So, you need to listen to a lot of speech(es), and you need to read a lot of the speech of people.’ So I had a chance to actually look at some (speeches),” kuwento niya.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment