Sunday, December 29, 2013

PNP: Mahirap matukoy ang nagpaputok ng baril

Ni Aaron B. Recuenco


Matapos ang pagpapa-pogi ng ilang opisyal ng gobyerno sa mga interview at photo-ops halos isang taon na ang nakararaan, hindi pa rin natutukoy ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng ilegal na pagpapaputok ng baril na ikinamatay ng pitong taong gulang na si Stephanie Nicole Ella.



At sa gitna ng babala at apela, patuloy pa rin ang pagdami ng nabibiktima ng ligaw na bala, na ngayo’y umabot na sa 11, simula noong Disyembre 16, 2013.


Samantala, ang pinakanakababahala ay ang pag-amin ng pulisya na mahirap pa ring matukoy ang mga pasaway na nagpapaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon, gaya ng kaso ni Ella na hanggang ngayon ay wala pa ring kinahinatnan.


“What we are looking for is evidence, that the evidence we gathered is sufficient to convict the suspect,” sabi ni Director General Alan Purisima, hepe ng Philippine National Police (PNP).


Ito ay sa kabila na nagtulungtulong na ang PNP at National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagkamatay ni Ella at ng iba pang biktima ng indiscriminate firing.


Aabot sa 1.6 milyon ang rehistradong baril sa bansa, ayon sa PNP, at ang anumang kaso ng pamamaril ay isinasailalim sa Integrated Ballistics Information System (IBIS), isang bagong teknolohiya na nagsisilbing firearms identification data base.


Bukod dito, nangangarap pa rin ang PNP na makabili ng iba pang gamit sa forensic science.


“But just because we lack the technology does not mean that we will not be able to solve it,” giit ni Sindac.


At dahil sa kakulangan sa gamit, nanawagan si Directorate for Police Community Relations (DPCR) Director Lina Sarmiento sa mamamayan na makipagtulungan sa pulisya upang matukoy ang mga magpapaputok ng baril sa kasagsagan ng selebrasyon ng Bagong Taon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PNP: Mahirap matukoy ang nagpaputok ng baril


No comments:

Post a Comment