Ni Samuel Medenilla
Iniulat ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang bahagyang pagbaba sa bilang ng mga umalis na overseas Filipino worker (OFW) ngayong taon.
Tinukoy ang preliminary data, sinabi ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na ang bilang ng mga nagkatrabahong OFW sa ibang bansa ay bumaba sa 1.53 milyon.
Sinabi ni Baldoz, namumuno sa governing board ng POEA, na ito ay 8.96 porsiyentong mas mababa kumpara sa 1.69 milyon noong nakarang taon.
Ito ang lumabas sa kabila ng pagdami ng landbased OFWs, na umakyat sa 1.36 milyon mula sa 1.34 milyon noong 2012.
Karamihan sa 900,000 ng OFWs na ito ay muling kinuha sa kanilang dating trabaho (rehire), habang ang mga nakakuha ng bagong trabaho (new hire) ay 419,257.
Ang Kingdom of Saudi Arabia ang nananatiling pinakapopular na destinasyon para sa landbased sector sa 351,470 OFWs sa kabila ng mga pagsusumikap na i-nationalize ang puwersang paggawa nito o mas kilala sa tawag na Saudization.
Sinusundan ito ng United Arab Emirates sa 236,797 at Singapore sa 123, 358.
Iniugnay naman ni Baldoz ang pagbaba sa deployment figures sa performance ng seabased sector, na malaki ang ibinaba mula sa 344,169 OFWs noong nakaraang taon sa 176,392 lamang ngayong taon.
Sinabi ni POEA administrator Hans Cacdac na ito ay sanhi ng kabiguan ng ilang manning agencies na magsumite ng deployment report sa itinakdang panahon sa POEA.
“We have a drop box system where some manning agents are a month delayed in reports. We expect to finalize the seabased data during the first quarter of 2014,” wika ni Cacdac.
Sinabi ni Baldoz na inaasahan na muling tataas ang deployment figures ngayong 2014.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment