Isang electronic maintenance worker ang nagbigti matapos pagbungangaan umano ng kanyang maybahay sa Quezon City, kahapon ng umaga. Kinilala ni PO2 George Caculba, officer-on-case, ang nagpatiwakal na si Rener Nepales, 27.
Natagpuan ang bangkay ni Nepales ng kanyang ama na si Ricardo Nepales, dakong 7:25 ng umaga, habang nakabitin ng alambre sa loob ng kanilang bahay sa Area 6, Mapagkumbaba Street, Barangay Botocan.
Ayon kay Ricardo, kagigising lang niya nang magtungo siya sa sala ng bahay at doon niya natagpuan ang nakabiting katawan ng anak. Ideneklarang dead on arrival si Rener sa East Avenue Medical Center.
Napag-alaman ni Caculba na kahihiwalay lang ni Rener sa asawa nito na kumukupkop sa apat nilang anak.
Ayon din sa mga kasambahay ng pamilya Nepales, lasing si Rener nang kumprontahin ng kanyang misis bago nagpatiwakal. – Jeffrey G. Damicog
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment