Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia na maging pamilyar sa batas ng naturang bansa at mahigpit itong sundin.
Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na ang hindi pagkaunawa o kakulangan ng kaalaman sa batas ng Saudi ay maaring magdulot ng nakakatakot na karanasan sa ilang “kapus-palad” na OFWs.
Ito ang payo ng opisyal matapos matanggap ang liham mula kay Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Petronila Garcia kaugnay sa paglalabas ng abiso ng Kingdom’s Ministry of Interior sa “Rules Governing Law-Breaching Foreign Workers”. – Mina Navarro
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment