Monday, December 30, 2013

BIR, ‘national bully’ – solon

Nakahanap ng kakampi ang private educators sa bansa sa isang mambabatas ng oposisyon na tinawag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na “national bully” sa diumano’y pagsisikap na pagtakpan ang pagkukulang nitong maabot ang target na koleksiyon.



Binatikos ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon si BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares sa pag-oobliga sa educational institutions na kumuha ng tax-exempt certifications bago sila mapagkalooban ng benepisyong ginagarantiya ng Konstitusyon.


“The BIR should stop acting as the country’s national bully and focus instead on its massive collection shortfall in the billions of pesos,” sabi ni Ridon, kasapi ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan.


Kamakailan ay naglabas si Henares ng BIR Revenue Memorandum Circular 20-2013 na ay kay Ridon ay epektibong hinaharang ang pagtamas ang educational institutions ng tax exempt benefits sa ilalim ng Konstitusyon.


Iginiit ni Ridon na ang unconstitutional ang memorandum dahil nagbabanta itong alisin ang tax-exempt status ng mga eskuwelahan sakaling mabigo silang makakuha ng sertipikasyon mula sa BIR. – Ben Rosario


.. Continue: Balita.net.ph (source)



BIR, ‘national bully’ – solon


No comments:

Post a Comment