Simula sa New Year ay tatanggap na ang Boy Scouts of America (BSA) ng kabataang openly gay, isang makasaysayang pagbabago na nagbunsod sa BSA upang ikonsidera ang ilang posibleng komplikasyon—mula sa mga polisiya sa tentmates at showers hanggang sa kung pahihintulutang makibahagi ang mga Scout sa mga gay pride parade.
At sa kabila ng kanilang laging pagiging handa, umaasa ang mga lider ng BSA na hindi magiging malaking isyu ang nasabing pagbabago.
Ilang simbahan ang agad na itinigil ang kanilang sponsorship sa mga Scout unit dahil sa nasabing bagong polisiya at ilang pamilya ang mas pipiliin ang konserbatibong alternatibo na tinatawag na Trail Life USA.
Ngunit wala pa itong epekto sa BSA at karamihan sa pinakamalalaking sponsor, kabilang ang Simbahang Katoliko at Mormon churches, ay pinanatili ang kanilang suporta. Mayo inaprubahan ang bagong polisiya, na sinuportahan ng 60 porsiyento ng 1,400 voting member ng National Council ng BSA. – AP
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment