Sunday, December 29, 2013

Vice Ganda, nakarma dahil sa sobrang kayabangan!

AKALA talaga ng iba ay magiging number one top grosser ang ‘Boy, Girl, Bakla, Tomboy’ nitong si Vice Ganda. One week before the Metro Manila Film Festival kasi ay sobrang ipinangangalandakan nitong siya raw ang magna-number one sa takilya in terms of kita at wala siyang keber sa kung anoman ang magiging reaksyon ng iba pang entries ng MMFF, particular na ang pelikulang ‘My Little Bossings’ ni Bimby at Ryzza plus Bossing Vic and Kris Aquino at ’10000 hours’ ni Binoe pati na ang ‘Boy Golden’ ni Gov. ER at KC Concepcion at ‘Pagpag’ nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama na ang ‘Pedro Calungsod’ ni Rocco Nacino.


Kaya lang, naiba nga ang naging ihip ng hangin. Oo nga’t sa first day naman talaga ng festival ay halos gitgitan ang laban nila ng ‘My Little Bossings’ pero sa mga sumunod na araw, nag-number 2 na lang ang movie ni Vice.


Mabuti nalang nag-win si Maricel Soriano bilang best actress. Kahit paano, parang natakpan ang kahihiyan na tinamo nitong si Vice dala ng kanyang kayabangan.


Sinabi kasi nitong bukod sa magna-number one sa takilya ang kanilang entry, sure raw siyang hahakot ito ng sandamakmak na awards.


Siyempre, dahil sa 4 ang characters dito ni Vice, inaasahan din ng baklang mukhang kabayo na ito na siya ang magwi-win sa best actor category kahit na alam niyang matindi ang makakalaban niya tulad ni Vic Sotto, ang batang Pedro Calungsod na si Rocco Nacino at Boy Golden na si Gov. ER at ang 10000 Hours na si Binoe.


Dahil nga ang nag-win for best actor category ay si Robin Padilla, nganga ang drama ngayon nitong si Vice Ganda.


Beh, Buti nga!


Nasupalpal na naman sa kanyang ilusyon na magbe-best actor ang baklang mukhang kabayo. ‘Di ba deserved naman ni Robin Padilla ang kanyang trophy for best actor dahil sabi nga ng kaibigan naming si Roldan Castro, halos hindi raw niya mabitawan at maiwanan habang pinanonood ang ’10000 Hours’ ni Binoe.


Parang sa pelikulang ito (10000 Hours) ibinuhos na talaga lahat ng husay at talino ng direktor nitong si Bb. Joyce Bernal


And speaking of awards awards na ito, tinalo pala ni Aiza Seguerra for best supporting actress si KC Concepcion.


Kasi nga, one week before the Metro Manila Film Festival awards ay halos ipangalandakan na ang kanyang leading man na si Gov. ER na siguradong si KC na ang magwawagi kaya lang naiba yata ang timpla at panlasa ng mga hurado kaya biglang nabalin ang pansin ng kakayahan ng acting kuno nitong si Aiza Seguerra mula sa pelikulang ‘My Little Bossings.’


Kung sabagay, si Aiza lang naman talaga at si KC ang matinding magkalaban sa kategoryang ito (best supporting actress) dahil sa trailer palang ng ‘Boy Golden’ ay kahit na ang inyong lingkod ay nanghula na rin na sure winner din itong si KC Concepcion.))


Pero ano nga ba ang nangyari, dinaya ba si KC? Hahaha! Kung sabagay, ‘yung mga award giving body ay nagpahiwatag na talagang deserved ni KC na mag-win bilang best supporting actress pero mahusay rin naman ang acting ni Aiza sa My Little Bossings.))


Maiba naman tayo ng usapan, totoo bang nagkakamabutihan na ngayon si Luis Manzano at KC Concepcion? Madalas daw kasing nakikitang nagde-date sa ngayon ang dalawa. Pa’no na si Paulo Avelino?


Maging ang Governor ng Lipa Batangas na si Gov. V. ay walang tutol na ligawan ng kanyang anak ng Mega daughter. Kunsabagay, after Jennylyn Mercado ay wala na tayong nababalitaang may nililigawan itong si Luis. Kaya kung sakali mang si KC nga at Luis ngayon, siguradong marami ang matutuwa lalo na ang mga fan nilang dalawa.


The post Vice Ganda, nakarma dahil sa sobrang kayabangan! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Vice Ganda, nakarma dahil sa sobrang kayabangan!


No comments:

Post a Comment