HAVEY na ‘throwback’ party ang natunghayan ngayong Linggo sa Sunday All Stars ng GMA 7 para sa nakaaaliw at most intriguing moments ng naturang show.
Nakita ang pasabog ng apat na teams at pinakamalupit na performance nila gaya ng Tropang TRENDING’S SHOWSTOPPING BOLLYWOOD production number. LIGANG ILIKE’S speakwe-blasting Pinoy Rock Winning Piece, INSTAGANG’S colorful African Invasion at TWEETHEARTS’ gravity-defying ballroom dance act.
Natunghayan din ang most awarded performance at pinakamasayang highlights nina Rochelle Pangilinan, Aljur Abrenica at Mark Bautista.
***
MASUWERTE ang relasyon nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano dahil hindi sila napapaligiran ng materyal na bagay.
“Yun ‘yung ipinagpapasalamat ko, bukod sa tipid na tipid sa bulsa ko. Mas gusto niya talaga ‘yung commitment, ‘yung loyalty, ‘yung honesty..’yun ang binuo namin,” bulalas ni Toni sa presscon ng ‘Home Sweetie Home’ na magsisimula sa January 5 sa ABS-CBN 2 after ng ‘Goin’ Bulilit.’
Walang plano si Toni sa 2014. Kung ano na lang daw ang blessings na dumating.
“I will go with whatever He’s going to give me and bless me. Kung ano mga trabaho, proyektong ibibigay, gagawin ko na lang ang best ko,” deklara niya.
Talbog!
-0o0-
NAKATSIKAHAN ng PMPC si Sef Cadayona sa bakuran ng GMA 7. May filmfest entry siya ngayon na ‘Kaleidoscope World’. Memorable sa kanya ang pelikulang ito dahil nu’ng mag-umpisa ito ay naging sila ni Yassi Pressman. Pero bago pa man natapos ang movie ay naghiwalay sila.
Itinanggi niya na si Andrea Torres ang dahilan ng break-up na kasamahan niya sa ‘Bubble Gang’ at ‘Sunday All Stars’. Natatawa nga siya dahil magkaibigan sila ni Andrea. Hindi lang daw siguro alam ng ibang tao ‘yung closeness nila.
Nag-sorry nga raw siya dahil nadawit ang pangalan nito.
Malamig ba ang naging Pasko niya?
“Bilang mahilig ako sa Ice Cream, malamig ang Pasko ko ngayon,” sey niya.
Wala bang pinagselosan si Yassi?
“Wala naman, ang guwapo ko naman. Ang napapabalita nga meron daw, pero wala naman, so far,” tugon niya.
Kay Yassi kaya?
“Wala rin naman, wala naman ako nababalitaan. Imposibleng meron din siya, kasi kilala ko naman siya, malabo talaga ‘yung mangyari. May tiwala naman ako sa kanya. ‘Yung breakup namin, mutual decision namin ‘yun. Pareho talaga naming gusto,” saad pa ng binata.
Anyway, tribute kay Francis Magalona ang Kaleidoscope World.
“Actually ang reach kasi ng pelikula, mostly mga kids and teenagers, e. Gusto ko lang talagang mapanood nila dahil ano ‘to, e, suntok sa buwan ‘to, e. Gagawa kami ng pelikula about sa sayaw ‘tapos ang gagamitin naming reference sa istorya, Francis Magalona, so mabigat on our side na gawin yun,” sambit pa niya.
Isang musical drama ang Kaleidoscope.
“Musical po talaga, biglang magkakaroon ng drama ‘tapos biglang may papasok na kanta ni Francis M., doon magsasayawan ‘yung mga tao,” sey pa ni Sef.
The post Relationship based on loyalty, honesty and commitment appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment