Sunday, December 1, 2013

Pahulaan kung sino ang babaeng lumalangoy sa Dyesebel

PAHULAAN ngayon kung sino ‘yung babaeng lumalangoy sa teaser ng Dyesebel na ipapalabas sa ABS-CBN 2 sa 2014. May humuhula na comeback project daw ito ni Kristine Hermosa. May nagsasabi rin na si KC Concepcion ‘yon.


Mukhang mas bagay kay KC ang role dahil dalaga at kapapanalo lang na Best Drama Supporting Actress sa PMPC Star Awards. Kumbaga, may napatunayan na siya sa aktingan para bigyan ngayon ng title role.


Kahit sa Instagram account ni KC ay may mga humuhula na baka siya ang gaganap na ‘Dyesebel’ dahil sa pag-post niya ng isang sirena na may red hair at may caption na “Under the sea… Wish I could be… Part of that world (love) mermaid moment.”


Nu’ng bata pa naman si KC ay pangarap niya na maging sirena at feel na feel niya ito.

Talbog!


-0o0-


MUNTIK na palang malunod si Rocco Nacino sa last shooting day ng kanyang filmfest entry na Pedro Calungsod: Batang Martir. Aminado siya na ito ang pinakamahirap niyang role na ginawa.


“Siguro ‘yung muntik na akong malunod, nu’ng ginawa namin ‘yung ending. Masyadong mabigat ‘yung bato (nakatali sa kanya). At paglingon ko paakyat, malayo pa ‘yung lalanguyin ko. So, almost… muntik akong mahimatay under water. Buti na lang may diver na humabol at binigyan ako ng mask (oxygen). ‘Yun siguro ang hindi ko makalilimutan.

“Nakainom akong konti tapos nagwa-white flashes na ako. So, umabot sa ganung point. But then, after mangyari ‘yun, sinabi ko pa rin na, ‘Halika, tapusin natin ‘yung eksena,” kuwento niya sa presscon ng naturang pelikula with matching fashion show.


Naniniwala si Rocco na ginabayan at inalagaan siya ni San Pedro Calungsod habang tinatapos ang naturang pelikula.


Naikuwento rin niya kay Lovi Poe (nali-link sa kanya) na muntik na siyang malunod at naramdaman naman niya ang concern ng dalaga. “Nakatutuwa. She’s one of the people na I talked to kapag ano… kunwari stressed ako sa mga lines ko in Bisaya, Latin, Spanish. Isa siya sa mga una kong tinatawagan.”


Iimbitahan daw niya si Lovi na ka-date niya sa premiere night ng Pedro Calungsod kung pasok ito sa schedule niya. Naiintindihan naman daw niya na may trabaho ‘yung tao. Kahit sa Pasko, gusto niya itong makasama kung hindi aalis ng bansa si Lovi.


‘Yun na!


-0o0-


NAKATSIKAHAN namin si Kristoffer Martin sa press visit sa last shooting day ng horror movie na ginagawa niya sa GMA Films titled Basement. Adik ang role niya sa pelikula at napunta sila sa basement na kung saan ay may nakakikilabot na lihim. Kasama niya sa pelikula sina Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Dion Ignacio.


Nag-renew ng contract sa GMA si Kristoffer para sa tatlong taon. Ano ang inaasahan niya ngayon?

“Hindi naman ako nag-e-expect, e. Happy lang ako kasi binibigyan nila ako ng mga projects na mga soap, plus itong Basement. Tapos happy ako ngayon kasi by next year, January, sana, sana matuloy ‘yung bagong soap, pero bawal pa sabihin, confidential pa kasi,” tugon niya.


Sino ba ang gusto niyang maging the next; the next Dingdong Dantes o the next Richard Gutierrez?

“Dingdong Dantes,” mabilis niyang sagot. “Kasi nakasama ko na si Kuya Dong sa Pahiram Ng Sandali. Naging kuya ko siya ru’n.”


Si Kristoffer din ang naging young Dingdong sa Endless Love dati.


“Kasi ‘yung dedication niya sa craft niya, sobrang kita, e, sobrang mararamdaman mong gusto niya ‘yung ginagawa niya, at the same time may gusto pa siyang mangyari. Like nag-aaral siya, may mga other commitments siya abroad, ang dami niyang nagagawa.

“Kumbaga gusto niya kasi so siya ‘yung ginagawa kong inspirasyon.”


Kumusta naman sila ni Joyce Ching?

“Next question,” pagbibiro niya.

“May communication pa rin naman kami pero hindi na, unlike before, na everyday, every night, every minute of the day magka-text.

“Ngayon siguro kumustahan na lang, ganyan. Pero happy ako kasi ano, e, siguro we need this to grow, siguro rin pero hindi naman sinasarado ‘yung pinto, e. Still open pa rin kami sa mga possibilities.”


Cool-off ba sila o break na?

“Wala namang cool-off, e,” sagot niya.

“Ngayon ang focus ko studies, ru’n ako nagbabaling ng atensyon.”


Nag-aaral ngayon ng kursong Entrepreneurship si Kristoffer sa San Beda College.


Ano ang nami-miss niya kay Joyce?

“Lahat! Buong siya. Mahirap kasing magbigay ng specific kasi lahat sa kanya special.”


Love pa niya si Joyce?

“Oo naman. Hindi naman mawawala ‘yun, hindi naman agad mawawala ‘yun.”


Sa palagay ba niya ay mahal pa siya ni Joyce?

“Ah ‘yun ang hindi ko alam. Kasi alam ko sa amin iyon ‘yung iniwasan naming maramdaman ng isa’t isa kasi mahirap nang umasa.

“Kumbaga kung ano ‘yung nararamdaman namin sa amin na lang, sinarili. Iyon ‘yung feeling kong set-up namin, e, kasi parang baka mamaya kumapit, kumapit umasa, umasa iyon ‘yung parang iniiwasan namin.

“Kasi for now ang focus namin is, siya ‘yung career niya, ako career at tsaka ‘yung studies ko.”


Okay lang daw sa kanya kapag nalaman niyang may ibang nanliligaw kay Joyce.

Hindi siya masasaktan?


“Siyempre andu’n ‘yung factor na masasaktan ka pero anong magagawa mo you have no right na, e. Kumbaga if that will make her happy then I’m happy with it,” sey pa niya.


The post Pahulaan kung sino ang babaeng lumalangoy sa Dyesebel appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pahulaan kung sino ang babaeng lumalangoy sa Dyesebel


No comments:

Post a Comment