Ni Mary Ann Santiago
Tinukoy ng Department of Health (DoH) ang mga barangay sa Metro Manila na pinakamapanganib kung ang paguusapan ang dami ng naitalang biktima ng paputok ng mga ito, batay na rin sa 2010-2012 FW (fireworks) injury reports ng Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) campaign ng ahensiya.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), sa Quezon City, kasama sa “most dangerous barangays” ang: 1) Batasan Hills, 2) Commonwealth, 3) Holy Spirit, 4) Payatas, 5) Sto. Domingo at 6) Krus na Lagas.
Sa Manila: 1) District 2, Brgy. 147-267 East Tondo, 2) District 1, Brgy. 1-146 West Tondo, 3) District 3, Brgy. 268-394 Binondo, Quiapo, San Nicolas, Sta. Cruz.
Sa Valenzuela: 1) Hen. T. De Leon, 2) Marulas, 3) Karuhatan, 4) Canumay, 5) Malinta, at 6) Parada.
Sa Las Piñas: 1) Pulang Lupa Uno, 2) BF Intl Village, 2) Talon Dos, 4) Pulang Lupa Dos, at 5) Fajardo.
Sa Mandaluyong: 1) Addition Hills 2) Hulo 3) Barangka drive 4) Poblacion 5) San Jose at 6) Plainview.
Sa Pasig: 1) Pinagbuhatan, 2) Bagong ilog, 3) Pineda, 4) Bambang, 5) San Miguel, 6) Kapasigan, 7) San Joaquin, at 7) Kalawaan.
At sa Marikina: 1) Malanday, 2) Concepcion Uno, 3) Parang at 3) Sto. Niño.
Sinabi naman ni Tayag na ang mga ligtas na lugar o yaong walang barangay na kabilang sa most dangerous list ang mga lungsod ng Caloocan, Makati, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pateros, San Juan, Taguig at Malabon.
Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ng DoH sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment