Sunday, December 1, 2013

491 bagong kaso ng HIV-AIDS, naitala ng DoH noong Oktubre

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 491 bagong kaso ng HIV-AIDS sa bansa nito lamang Oktubre 2013.


Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC,) ito na ang pinakamataas na monthly number ng mga bagong kaso ng HIV-AIDS na naitala nila simula pa noong 1984, kung kailan sinimulan ng DoH ang regular monitoring sa sakit.



Batay sa ulat ng Philippine HIV and AIDS Registry ng DoHNEC, ang mga bagong kaso ng sakit ay umabot na sa 66% o mas mataas kumpara sa naitalang 295 kaso lamang sa kahalintulad na buwan noong 2012.


“#DoH reports 491 new #HIV cases in Oct. 2013, highest monthly no. of new cases since ‘84,” tweet ni Tayag.


Dahil sa mga bagong kaso ng sakit, sinabi ni Tayag na umaabot na ngayon sa 4,072 na ang tinamaan ng HIV sa 2013 pa

lamang at 15,774 naman simula pa noong 1984.


“Fr Jan-Oct 2013: 4,072 cases & since ‘84: 15,774,” dagdag pa ni Tayag.


Nabatid na karamihan sa mga bagong kaso ng sakit ay 94% sa mga lalaki at 60% naman sa kababaihan na nasa pagitan ng 20-29 age group lamang.


Ayon sa DoH, sexual contact pa rin ang nangungunang mode of transmission sa sakit na umabot sa bilang na 445, sumunod ang needle sharing among injecting drug users (45), at mother-to-child transmission (1).


Karamihan sa mga bagong kaso ng sakit ay naitala sa National Capital Region (NCR), Region 4A at Region 7.


Ayon pa sa DoH, mula Enero 1984 hanggang Oktubre 2013 ay nakapagtala na sila ng 856 pasyente na nasawi dahil sa HIV kung saan 669 (78%) sa mga ito ay mga lalaki.


Nasa 148 naman ang iniulat na nasawi sa sakit simula Enero 2013 hanggang Oktubre 2013 at lima sa mga ito ay nasawi lamang nitong Oktubre. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



491 bagong kaso ng HIV-AIDS, naitala ng DoH noong Oktubre


No comments:

Post a Comment