Sunday, December 1, 2013

P1.4B kailangan sa pagkukumpuni ng health facilities

Ni Mary Ann Santiago


Tinatayang aabot sa P1.4 bilyon ang halagang kakailanganin ng Department of Health (DOH) para sa pagkukumpuni ng health facilities na napinsala ng super typhoon Yolanda, at upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, kabilang na ang mga maintenance medications para sa hypertension, heart diseases, at diabetes.



Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, may 432 health facilities ang napinsala sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas dahil sa pananalasa ng super typhoon.


Karamihan umano sa mga napinsala ay mga barangay health stations (296), rural health units (97), hospitals (38) at ang DOH Eastern Visayas regional office. Ang kabuuang halaga ng mga naturang pinsala ay aabot ng tinatayang P1.17 bilyon.


Kaugnay nito, nabatid na hanggang nitong Nobyembre 27, ang bilang ng konsultasyon sa lahat ng apektadong rehiyon ay umabot na sa 70,056 na may 2,794 na natanggap sa iba’t ibang health facilities.


Kabilang sa top five consultations ay mga trauma/typhoon-related injuries, respiratory tract infection, acute gastroenteritis, hypertension at diabetes, at mga sakit sa balat.


Ang 835 sa mga pasyente ay mula sa Tacloban City at ini-refer sa Cebu at Maynila.


Sa kasalukuyan ay mayroon na umanong 172 medical/public health teams na naka-deploy sa mga apektadong rehiyon, 86 ay mula sa DOH, 63 foreign teams at mga non-government organizations.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



P1.4B kailangan sa pagkukumpuni ng health facilities


No comments:

Post a Comment