MAGBABALIK sa June si Willie Revillame sa telebisyon sa pamamagitan ng bago niyang show sa GMA 7 na Wowowin, isang game show sa direksiyon ni Randy Santiago. Matagal ding nawala sa showbiz si Kuya Willie. Ang balita namin, every Sunday lang muna ito at kapag lumakas na ay gagawing daily ni Kuya Willie. Isa kaya si Valerie Concepcion sa magiging Co-host ng kontrobersiyal na personalidad.
Maraming sponsors si Kuya Willie pero ang balita namin, dalawang milyon kada lingo ang bayad niya sa GMA 7 dahil block timer siya roon. Ito na ang kanyang huling baraha kaya kailangang kagatin ito ng masa para naman marami siyang mabigyan ng tulong sa industriya pati ‘yong mga contestants.
Ang Erase Beauty Product ay mamimigay ng isang bagong Toyota Wigo! Bumili ng worth P300 kasama ang isang Erase product sa kahit na anong branch ng Watson o Sm Store para magkaroon ng E-Raffle ticketing promo ay hanggang Abril 29, 2015.
Si Valerie Concepcion ang endorser ng Erase Solution na epektibong gamitin para sa stretch marks, scar at pimples para sa mga detalye, tumawag lang sa 410-6374/09154728665.
&&&&&
Congratulations sa Team ni Dabarkads Wally sa pagkakapanalo nila sa Philippine Baklasketball Association. Kung may Tuck In Boys sa Barangay, may Insecurity Boys naman sa Juan For All Headquarters at hindi sila papatalo pagdating sa sayawan! Kaya pagdating ng tanghali tutok lamang sa Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang po!
&&&&&
Maswerte ang mga taga Marikina City sa pagkakaroon ng mabait at low profile na Mayor sa katauhan ni Mayor Del De Guzman. Lahat nang klase ng tulong binibigay ni Mayor De Guzman, minsan kahit hindi niya kaya, nagagawan pa niya ito ng paraan para sa kanyang mga kababayan. Dalawang araw na ang kanyang peoples day, Miyerkules at Huwebes.
Sobrang daming tao ang nasa City hall kaya minsan 10:00 ng gabi na siya nakauuwi ng bahay. Isa–isa kasi niyang kinakausap ang mga taong nangangailangan ng tulong niya. Mabuhay ka Mayor De Guzman. PALABAN/GARY STA. ANA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment