Monday, March 30, 2015

Magnanakaw, dakip sa CCTV

NADAKIP dahil sa closed circuit television (CCTV) camera ang isang 25-anyos na lalaki habang nagnanakaw ng hubcab ng gulong sa isang nakaparadang kotse sa Tondo, Maynila.


Nakakulong ngayon sa detention cell ng MPD-Station 7 (Jose Abad Santos, Tondo) ang suspek na si Jonathan Serrano, binata, walang trabaho ng 2314 E. Tindalo St., Tondo dahil sa reklamo ni Gideon Marquez, 56, Pastor, may-asawa ng 1304 Old Antipolo St., Tondo.


Sa report ni Supt. Jole Villanueva, Station Commander ng MPD-Station 7, dakong 9:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa Old Antipolo St., Tondo.


Ayon kay Marquez, ipinarada nito ang kanyang puting Toyota Fortuner (AAZ-3147) sa nasabing lugar upang dumalo sa isang religious activity sa Trinity Baptist Church nang sa pagbalik nito ay nawawala na ang dalawang pirasong takip ng gulong ng kanyang sasakyan.


Ang nasabing insidente ay ini-report nito kay Bgy. Chairwomen Elvira Reyes ng Bgy. 224 Zone 21 District 2 kung saan pinanood ang CCTV sa kanilang barangay at nakita ang aktuwal na pagnanakaw ng suspek dakong 11:00 ng umaga.


Nagasagawa ng follow-up operation ang mga barangay officials sa tulong ng MPD na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.


Kasong theft ang isinampa laban sa suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Magnanakaw, dakip sa CCTV


No comments:

Post a Comment