Monday, March 30, 2015

Opensiba vs BIFF, tapos na

TINAPOS na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang all-out offensive laban sa bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Sinabi ni AFP Chief Gregorio Pio Catapang, na higit kalahati na ng mga miyembro ng BIFF ang kanilang napatay habang nagkahiwa-hiwalay na sa maliliit na grupo ang mga natira.


Simula umpisahan ang all-out offensive noong Pebrero 27, nasa 151 BIFF members na ang napatay habang 50 ang sugatan. Nasa 12 naman ang nakuwelyuhan.


Sa hanay ng mga sundalo, 10 na ang nasawi.


May apat na sundalo naman ang namatay nitong Linggo kabilang na ang isang driver ng military bus sa magkahiwalay engkwentro sa Datu Unsay at Shariff Saydona Mustapha.


Patay sa engkwentro mula sa panig ng BIFF ang isang kilalang lider nito at dalawa pang kasamahan nito. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Opensiba vs BIFF, tapos na


No comments:

Post a Comment