MABUTI naman at pinagsabihan ni Daniel Padilla ang ilan nilang fans ni Kathryn Bernardo na masyadong bayolente. Imagine, may pagkakataon na harapan-harapang binastos daw si Nadine Lustre sa mismong show nito sa isang kilalang show ng isang grupo ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn at nagsisigaw sa harap niya ng ‘we love Katniel’, meron ding bumangga ka Nadine na Kathniel fan, at may isa pang praning na fan ang nagbantang sasabuyan daw ng kumukulong asido ang partner ni James Reid at marami pang kalokohang gustong gawin sa JaDine.
“Siguro huwag na tayong maging sadista. Huwag naman ganun, huwag natin gawin ‘yun kina James Reid at Nadine dahil talaga namang mabubuting tao ‘yan, mababait at mga kaibigan din naman namin sila at huwag na makipag-away dahil hindi rin tama ‘yun. Mas maganda masaya lang tayong lahat,” ani Daniel.
Walang dahilan para ma-insecure ang fans ng Kathniel sa loveteam ng JaDine dahil lampaso na ito nina Daniel at Kathryn. Aba’y ito ngang huling movie ng dalawa na Crazy Beautiful You under Star Cinema ay mahigit three hundred million ang kinita, kaya bang habulin ‘yan nina James at Nadine?
CHANDA ROMERO, AGAW-PANSIN ANG KARAKTER SA PARI ‘KOY
Magkahalong inis at pagkabilib ang mga reaksyon ng netizens sa beteranang aktres na si Chanda Romero sa role niya bilang Martha Buenavista sa Kapuso primetime series na Pari ‘Koy.
Simula nang malipat si Father Kokoy (Dingdong Dantes) sa Bgy. Pinagpala ay panay na ang puna ni Martha sa kanya. Ito’y dahil na rin sa pagiging konserbatibong Katoliko ni Martha na tumututol sa paraan ng pamamalakad ni Father Kokoy.
Isa nga sa mga pinag-usapan sa social media ay ang pagtutol ni Madam Martha sa pagbibinyag na ginawa ni Father Kokoy. Pati nga ang ugali at make-up ng karakter ni Chanda ay hindi rin pinalampas.
Sa ilang taon na niya sa industriya, talaga namang kinikilala pa rin ang pagiging epektibong aktres ni Chanda Romero.
Samantala, magkakaroon ng pagkakataon si Father Kokoy na bumalik sa San Agustin upang tuparin ang pangakong pagdalo niya sa graduation ni Abel (Vincent Magbanua). Kitang-kita sa mga tao ng San Agustin ang pananabik kay Father Kokoy.
Mapapanood ang Pari ‘Koy gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK/ABE PAULITE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment