ARESTADO ang 17 katao sa pamemeke ng libo-libong smartphone nat tablets sa Quiapo, Manila.
Karamihan sa naaresto ay mga Chinese na hindi umano nakaiintindi at nakapagsasalita ng Filipino.
Sa ulat, ni-raid ng Manila District Police Intelligence Operations Unit ang isang warehouse ng gadgets sa Quiapo, Maynila.
Sa bisa ng search warrant, napasok ng awtoridad ang lugar na pagmamay-ari ng Sky High Marketing Corporation at tumambad sa kanila ang kahon-kahong units ng smartphones at tablet.
Nakitang rehistrado naman ang mga produkto ng “Ace” na gawang China at may ICC stickers ang mga ito.
Pero ang modus operandi ng grupo, tinatastas ang orihinal na tatak saka pinapalitan gamit ang engraver, na narekober din sa lugar.
Naibebenta ang mga pekeng gadgets mula P4,500 hanggang P7,000.
Lahat ng nasakote ay dinala sa presinto para maimbestigahan.
Bukod sa warehouse, nasabat din ng mga operatiba ang ilan pang ide-deliver nang paninda sa merkado kaya umabot sa 9,700 units ang nakumpiska. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment