Monday, March 30, 2015

Dagdag-allowance sa PNP, AFP aprub kay PNoy

PIRMADO na ni Pangulong Noynoy Aquino ang joint resolution na layong itaas ang subsistence allowance ng mga sundalo, pulis at iba pang unipormadong kawani ng gobyerno.


Sa ilalim ng bagong batas na inihain ni Senator Antonio Trillanes IV, chairman ng Senate committee on National Defense and Security, itinaas sa P150 mula sa kasalukuyang P90 subsistence allowance ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), kadete ng Philippine Military Academy; Philippine National Police Academy (PNPA), Philippine Coast Guard (PCG) at mga kandidatong Coast Guard men, at mga unipormadong kawani ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).


Umaasa ang senador na sa pamamagitan ng bagong batas ay maiaangat ang moral ng mga sundalo at pulis upang ganahan pa silang magtrabaho.


Laking pasalamat naman ni Trillanes sa Pangulo kasunod ng pagpirma sa nasabing batas.


Ipinagmalaki rin nina Magdalo Reps. Gary Alejano at Francisco Ashley Acedillo, na kasama ni Trillanes na nag-akda ng resolusyon ang tagumpay na ito para sa mga sundalo at pulis. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Dagdag-allowance sa PNP, AFP aprub kay PNoy


No comments:

Post a Comment