MATIBAY ang hangarin ng pamahalaang Pilipinas para igiit ang pag-aari nito sa Sabah na inaangkin din ng Malaysia.
Tugon ito ng palasyo kaugnay ng mga balitang binibitiwan na nito ang pag-angkin sa pinagtatalunang teritoryo upang mahimok ang Malaysia na suportahan ito sa kasong isinampa sa United Nations laban naman sa China kaugnay ng West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na walang katotohanan ang mga naglabasang ulat. Katunayan aniya, ipinakita sa mga nagdaang taon na maganda ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia.
Dagdag pa ni Lacierda, itinanggi na rin ng Foreign Affairs Department (DFA) ang balita sa pagsasabing ang note verbale na ipinaabot ng pamahalaan sa Malaysia ay tungkol sa West Philippine Sea at hindi sa Sabah. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment