NILINAW ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na hindi bawal kumain at maligo ngayong Semana Santa.
Ang paglilinaw ay ginawa ni CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Socrates Villegas dahil nakaugalian na ng ilang matatanda na hindi maligo at kumain tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo dahil ayon sa kanila ay mahigpit itong ipinagbabawal.
Pinabulaanan naman ito ni Villegas at sinabing maging ang panonood ng telebisyon ay hindi rin ipinagbabawal ng simbahan.
Paliwanag pa niya, iisa lamang ang bawal gawin tuwing Mahal na Araw, at kahit hindi panahon ng Semana Santa, at ito ay ang paggawa ng kasalanan dahil ito ang naghihiwalay sa mga tao sa Panginoon.
“Ang pinagbabawal ay iisa lang, kasalanan. Sapagkat sa pamamagitan ng kasalanan, nahihiwalay tayo sa Diyos,” ani Villegas. MACS BORJA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment