Saturday, March 28, 2015

Maysak, nananatiling banta sa Ph – PAGASA

BUMAGAL ngunit nananatiling banta sa Pilipinas ang bagyong may international name na Maysak.


Sa ulat ng PAGASA, ngayong umaga ito huling namataan sa layong 2,900 km sa silangan ng Mindanao.


May lakas ito ng hangin na nasa 130 kph at may pagbugsong 160 kph.


Tinatahak umano nito ang direksyong pakanluran sa bilis lamang na 15 kph at maituturing na mabagal.


Dahil dito, inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa darating na Huwebes.


Maaari nitong maapektuhan ang Silangang bahagi ng Luzon at Visayas pero wala naman gale warning sa mga nabanggit na lugar. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Maysak, nananatiling banta sa Ph – PAGASA


No comments:

Post a Comment