KANYA-KANYANG bitbit ng palaspas ang mga debotong Katoliko kasabay ng Linggo ng Palm Sunday.
Sa Baclaran Church, unang sumalubong sa mga magsisimba ang mga nagbebenta ng palaspas sa labas ng simbahan.
Isinagawa ang second collection sa banal na misa kasabay ng ika-40 taon na anibersaryo ng “Alay Kapwa” program.
Kasabay nito ay umaasa si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang bawat simbahan ay may i-aambag para sa Alay Kapwa.
Ang kikitain sa Alay Kapwa ay gagamitin ng simbahan para sa emergency funds para sa mga biktima ng kalamidad, tulad ng bagyo, baha, sunog, lindol at iba pang trahedya o krisis maging sa disaster prevention at mitigation programs. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment