NAKUWELYUHAN ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ang isang high ranking BIFF leader sa Cotabato City.
Ipinaalam ni Lt. Col. Harold M. Cabunoc, Chief, Public Affairs Office, AFP, na ang suspek na si Abdulgani Esmael Pagao ay naaresto sa loob ng Campo Muslim, sa Bgy. Mother Bagua, Cotabato City nitong Martes, alas-8:30 ng gabi.
“He did not resist arrest when the law enforcers served the arrest warrant issued by Executive Judge Bansawan Z. Ibrahim,” pahayag pa ni Lt. Col. Cabunoc.
Nakumpiska kay Pagao ng cal. 45 M1911 pistol at isang fragmentation grenade.
Ibinigay naman agad si Pagao sa PNP’s Criminal Investigation and Detective Group para sa inquest proceedings.
si Pagao ay ikinokonsiderang second ranking BIFF leader na natiklo ng gobyerno simula nang ilatag ang law enforcement operations laban sa BIFF noong Pebrero 2015.
Isa pang lider na si Commander Bisaya, ang napatay sa pakikibakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Datu Unsay town noong Marso 29.
Tinapos na ni Gen. Gregorio Catapang, Jr., AFP Chief-of-Staff, ang “all out offensive operations” laban sa BIFF dakong 12 p.m. noong nakaraang Lunes (Marso 30).
Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang calibrated law enforcement actions laban sa mga bandido na gumagamit ng small unit patrols. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment