NALAGAS ang isang miyembro ng CAFGU habang nasugatan naman ang isa pa makaraang sumabog ang isang granada sa gilid ng public road malapit sa Bgy. Poblacion bayan ng T’boli, South Cotabato ngayong umaga lamang.
Ayon kay Lt. Col Ronald Jess Alcudia, battalion commander ng 27th Infantry Battalion (IB), Philippine Army, isa umanong boobie trap ang ginawa ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) kasabay ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ngayong araw.
Napansin ng mga nagdaang CAFGU sa gilid ng daan ang isang tarpaulin na may nakalarawang anibersaryo ng NPA at nang lapita’y bigla na lamang sumabog ang isang granada na nakalagay dito.
Nagresulta naman ito sa pagkamatay ng isang CAFGU at pagkasugat ng isa pa nitong kasamahan.
Sa ngayon ay tumanggi pa ang opisyal na pangalanan ang mga namatay dahil sa nagpapatuloy na clearing operations.
Patuloy naman ang panawagan ng opisyal sa publiko na mag-iingat at maging alerto upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment