UMAARANGKADA na ang bagyong nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sa ulat ni PAGASA weather forecaster Gladys Saludes, dahil sa trough ng Typhoon Maysak, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Caraga, Northern Mindanao at Davao region.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,980 kilometro silangan ng Northern Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 165 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 200 kph.
Miyerkules ng gabi pa rin ito inaasahang papasok ng PAR na tatawaging Bagyong Chedeng.
Nakikita namang lalapit ito sa kalupaan ng Luzon sa Sabado o Linggo.
Samantala, ridge of high pressure naman ang patuloy na makaaapekto ngayong Martes sa Northern Luzon kaya asahan ang magandang panahon sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas naman ang panahon bagama’t may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment