Monday, March 30, 2015

OMR pamalit sa PCOS machines – Comelec

IPINAHAYAG ngayon ng Commission on Election (COMELEC) na gagamitin ang 23,000 optical mark reader (OMR) units kapalit ng precinct count optical scan (PCOS) machines, ayon na rin kay Comelec spokesman James Jimenez.


Plano ng Comelec na gumamit ng ibang computerized voting machines sa May 2016 elections kapag nagdesisyon ang Korte Superma na huwag nang gamitin ang PCOS machines.


Maalalang nagsimula na ang Comelec para sa bidding ng OMR para gamitin sa 2016 presidential elections.


Pwede umanong i-adopt ng Comelec ang Central Count Optical Scan (CCOS) system kapag ang OMR machines ang gagamitin.


Pinag-usapan na rin umano ang posibilidad na CCOS ang gamitin sa halalan kasama na ang bilang ng counting centers.


Kapag ginamit ang CCOS ay ilalagay ang OMR units sa isang central area na dadalhin ang mga paper ballots at dito babasahin ng makina ang mga balota hindi gaya ng PCOS na precinct-based ang bilangan.


Aminado naman si Jimenez na maaaring mahirap pa ring gamitin ang bagong sistema dahil kailangan pa ring ibiyahe ang mga ballot boxes.


Isa umano sa tinitingnang problema ay maaari itong mag-ugat sa ballot snatching at violence. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



OMR pamalit sa PCOS machines – Comelec


No comments:

Post a Comment