Monday, March 30, 2015

Bus huli sa bold movie

HINDI na tuluyang pinabiyahe ang isang provincial bus matapos mahulihan ng mga operatiba ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ng mga bold movies na dvd sa Araneta Cubao bus Terminal sa Quezon City kaninang umaga., Marso 30, 2015 (Lunes).


Personal na ipinakita sa media ni MTRCB Chair Eugenio Villareal ang dvd ng bold na pelikula na nakumpiska mula sa bus unit ng R. Volante Liner na naglululan ng pasahero na may rutang Cubao patungong Sorsogon, Bicol.


Sinabi ni Villareal na irerekomenda sa Land transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na lapatan ng kaukulang parusa ang pamunuan ng naturang bus company.


Aniya, alinsunod sa batas, bawal ipalabas ang mga pelikulang malalaswa sa mga matataong lugar tulad sa mga pampasaherong sasakyan lalo na kung may mga sakay na bata.


Sinasabing posibleng makansela ang prangkisa ng naturang bus company dahil dito.


Nagsagawa kahapon ng umaga ng operasyon ang MTRCB sa mga bus terminal particular sa Araneta Cubao bus terminal bunga na rin ng mga reklamo ng ilang mga bus unit na nagpapalabas ng bold movies habang pumapasada patungo sa kanilang destinasyon sa mga probinsya. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus huli sa bold movie


No comments:

Post a Comment