PINASASAMPA na ng Department of Justice (DoJ) ang kasong tax evasion sa Court of Tax Appeals (CTA) laban sa umano’y utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at asawang si Jaime Napoles.
Sa 18-pahinang resolusyon nina Assistant State Prosecutors Stewart Allan Mariano at Mark Roland Estepa, nakakita ng probable cause ang DoJ para kasuhan ang mag-asawa dahil P61.18-milyong tax liability.
Una nang inireklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nagbigay ng tamang deklarasyon ang mag-asawa para sa mga taong 2004, 2006, 2008, 2009, 2010, 2011 at 2012.
Bukod sa maling impormasyong ibinigay ng mag-asawang Napoles, nabigo rin itong maghain ng income tax returns (ITRs).
Iginiit ng DoJ na sinadya ng mag-asawa na itago ang tunay na dapat bayaran na buwis na paglabag sa National Internal Reveue Code. TERESA TAVARES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment