ILANG araw na lang at matatapos na ang verification sa lagda ng mga taong pabor na patalsikin si Bulacan Gov. Willy Alvarado.
Sa Abril 1 kasi ay kailangang tapusin na ng Comelec ang nasabing proseso para maitakda na ang petsa ng gaganaping recall election sa lalawigan ng Bulacan.
Ang siste, ayon sa ulat, ginagawa ng mga alipores ng gobernador ang lahat ng katarantaduhan para mapabagal lang ang proseso.
King-ina! Hindi ba alam ni Alvarado na ang dahilan kaya siya pinatatalsik ng mga taga-Bulacan ay ang kawalan ng tiwala dahil sa naglipana umanong katarantaduhan at nakawan?
Na kung may iilan man noon na naniniwala pa kay Alvarado ay unti-unti na ring nagagalit sa gobernador dahil nga sa anila’y kitang-kita kung paano binababoy ng mga alipores nito ang ligal na proseso ng batas.
Para lang magkapit-tuko sa posisyon! Pwe!
Sa kaganapan sa Bulacan, napagtatanto, parekoy, na sa malao’t madali ay talagang sisipain na nila itong si Alvarado.
Kumbaga, ginagawan lang ng paraan ng mga alipores ni Gob na malagpasan ang “1-year requirement” ng batas para maisagawa ang recall election.
Pero halos ramdam na ng mga hijo de-puta na talagang kumukulo na ang dugo ng mga taga-Bulacan.
Ika nga, sa tamang panahon, kapag sumabog ang mga ito ay tiyak daig pa ni Alvarado ang sinabugan ng Pinatubo! Hak, hak, hak!
-o0o-
Sandamakmak na reklamo ang ipinarating sa atin ng mga retiradong sundalo hinggil sa anomalyang nagaganap sa tanggapan ng Philippine Veterans Affairs Office.
Ayon sa mga nagrereklamo, sa mga nakaraang taon ay may ilang buwan na hindi inire-remit sa kanilang account ang kanilang pensyon.
Noong nagreklamo sila ay kesyo bunsod ito ng isasagawang beripikasyon sa bawat pensioner.
Pero matapos nilang maipasa ang kaukulang dokumento at muli na namang nagpatuloy ang kanilang pensyon, ay hindi na kasama ang para sa mga buwang wala silang pensiyon!
Kaunting halaga lang kung tutuusin ang involved na pera.
Ngunit kung susumahin sa rami ng mga pensioner na ginagawan nito ng kung sinomang hijo de-putang buwaya sa PVAO ay napakalaking halaga nito.
Ang higit na masakit, itong mga retiradong sundalo ay matagal na panahong nagsilbi sa bayan habang ang kanilang mga buhay noon ay nakasalang sa panganib!
At ngayon nga, imbes na bigyang parangal sa kanilang mga kabayanihan ay panloloko pa ang kanilang natatamo ngayon. ‘Yan, parekoy, ang isa sa anyo ng “Matuwid na Daan! Pwe! BURDADO/ED VERZOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment