Sunday, March 29, 2015

JUDGE SUHOL, MILLION OR NO DEAL?

BIG TIME na ang sumisikat na judge na ito. Who you?


Kung noon ay simpleng abogado at politiko lang ang binansagan ng kanyang mga kasamahan sa Hudikatura na “Judge Suhol” (JS).


Gamit ang desisyon niya sa Writ of Preliminary Injunction (WPI) para makahingi ng malaking bayad-suhol.


Sikat na si JS sa kanyang tropa.


Mahusay siyang magmaniobra ng mga WPI decision kapalit ang PERA! Gusto n’yong makilala kung sino siya?


Si JS ay dating politiko sa labas ng southern part, labas ng Metro Manila. Malakas siguro kaya naupo sa Hudikatura.


Si JS ay nakasama sa mahabang listahan ng mga lokal na opisyal na inimbestigahan ng Commission on Audit noong 2007 – 2009 dahil sa pagtanggap din niya ng pork barrel na idineklarang iligal ng Korte Suprema. Isa ba siya sa “anak ni Napoles?”


Dahil madatung na, nakasungkit siya ng aspiring starlet na tinawag na NENENG MOLA 4 years ago.


Hindi na pinangarap ni MOLA na mag-artista pa para kumita ng pera dahil mas malaki ang kita niya kay Judge Suhol kaysa sa pag-aartista.


Para magmukhang tunay na partner ay nag-ampon sila ng bata. Kumuha si Judge Suhol ng isang unit sa high-end na condominium.


Sabi ng drayber sa kanto, tagos to the bones ang pagmamahal ni Judge Suhol noon kaya “at all cost” sagot nito ang condo, pagkain, damit, gamit at marami pang needs ni Lady MOLA.


Pero sabi nga, kahit gaano kasarap ang LITSONG BAKA kung ito’y araw-araw naman ang siya mong pagkain ay medyo magsasawa ka. Opo, nakasasawa ang pare-parehong lasa!


Kaya naman, si Judge Suhol ay nag-iba ng kanyang daily routine.


Isa sa kanyang tambayan ay ang SHANGRILA HOTEL na tambayan din ng mga “big time” para magpalipas ng gabi.


Sa Shangrila, makikita si JS na kasama ang iba’t ibang babae na bayaran.

Aba, ang tindi mo, tyong! Napakataas ng iyong libido!


Si JS ay taga-Teachers Village pero tuwing Sabado’t Linggo ay biyaheng matulin siya na nagtutungo sa isang farm sa San Pablo, Laguna.


Hindi pa kumpirmado kung sa kanya ang farm na iyon.


Si JS, sabi ng kanyang mga katropa ay biglang yaman, sobrang yaman – DAHIL SA KATIWALIAN!


Ang kwento, wait siyang mag-leave ang kasamahan niya sa Hudikatura na may mga hawak na WPI na hindi tiwali.


Hayun, pasok na si JS at milyon-milyon na WPI decision niya!


Ngayon, galit na galit na ang kanyang mga kasama sa Hudikatura.


Iwas silang lahat na sumama at madamay sa kanyang TIWALI AT ILIGAL NA GAWAIN.


Sino si Judge Suhol? Kilala ninyo siya?


Abangan! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



JUDGE SUHOL, MILLION OR NO DEAL?


No comments:

Post a Comment