NAGBABALA ang Department of Health (DoH) sa publiko na ingatan ang kanilang kalusugan dahil sa pagsulpot ng mga sakit sa panahon ng tag-init partikular ang pagsapit ng Mahal na Araw.
Ito ang paalala ni Health Sec. Janette Garin kasunod ng pagsisimula ng Mahal na Araw kung saan simula rin ng bakasyon at mga aktibidades ng tao kabilang ang outing, pista at iba pa.
Ayon kay Garin, mayroong anim na sakit ang nagsusulputan (6S) pagsapit ng tag-araw kabilang ang sore eyes, sun burn, sipon at ubo, suka at pagtatae, sakit sa balat at sakmal ng aso.
Paalala ni Garin na ang sore eyes ay maaring makabulag kung hindi ito naagapan kaya pinayuhan nito ang publiko na ugaliing naghugas ng kamay upang hindi maikalat ang bacteria o viruses sa ibang tao. Huwag din umanong gumamit ng eye drops na walang payo ng doktor.
Maiiwasan din umano ang sun burn kung maiiwasang lumabas sa pagitan ng 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon at kung hindi maiiwasan ay gumamit ng sunscreen protection o pampahid sa balat.
Ugaliing uminom ng 8-12 baso ng tubig sa isang araw upang makaiwas sa heat stroke.
Madali umanong mahawa sa sipon at ubo dahil sa pabago-bagong panahon kaya pinapayuhan ang mga nakatatanda (senior Citizens) na magpabakuna kontra influenza bago pa man magsimula ang tag-init.
Iwasan ding kumain ng street foods at mga pagkaing madaling mapanis dahil sa init na madalas na sanhi ng pagsusuka at pagtatae. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment