HINIHINALANG bangungot ang ikinamatay ng isang karpintero kaning madaling-araw, Linggo, sa Pasay City.
Kinilala ni SPO2 Genomar Geraldino ng SIDMB ang biktimang si Danilo Patangway, nasa hustong gulang, karpintero sa DMC at pansamantalang nakatira sa Electrical Rd. Extn., Pasay City.
Sa pahayag ng kapwa karpintero na kinilalang si Reynaldo Garcia, 22, dakong 10:45 kagabi nang huli niyang nakitang buhay ang biktima na natutulog.
Bandang alas-2:46 ng madaling-araw, nagising si Garcia dahil sa malakas na paghilik ng biktima na kakaiba sa kanyang pandinig.
Tinangka niyang gisingin ang biktima pero hini na ito kumikibo at hindi na rin gumagalaw kaya dinala na niya ito sa San Juan de Dios Hospital.
Pagsapit sa pagamutan, idineklara ng doktor na patay na ang biktima. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment