DAHIL sa napabayaang cellphone charger, nasunog ang may anim na kabahayan na ikinasugat ng tatlong katao sa Quezon City kaninang madaling-araw (Marso 31).
Nagkasugat-sugat sanhi ng pagtalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang nasusunog na bahay ang mga biktimang sina Tomas at Elizabeth Lanuza at kanilang anak na si Steven, 11.
Sa ulat, nagsimula ang apoy sa dakong 12:10 a.m. sa isa sa anim na kabahayan sa Novaliches, Q.C.
Ayon sa mga residente, bago ang insidente ay nakaamoy sila ng nasusunog na electrical wirings.
Sa pag-aakalang may nagsisiga lamang, hindi nila ito pinansin at bagkus ay nagpatuloy sa kanilang ginagawa sa bahay.
Pero nang biglang lumaki na ang apoy sa isa sa mga kabahayan ay nagkanya-kanya na silang paghakot sa kanilang mga gamit.
Naipit naman ang pamilya Lanuza kaya napilitang tumalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay
Sa pagsisiyasat ng arson investigators ng Bureau of Fire Protection (BFP), napag-alamang nagsimula ang sunog sa isang napabayaang cellphone habang nagcha-charge.
Pasado alas-dos ng madaling-araw nang maapula ang apoy. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment