Monday, March 30, 2015

Tatlong beki niratrat, 2 todas

DALAWANG bading ang nasawi habang nakaligtas ang isa makaraang pagbabarilin sa bahagi ng Purok Upper Liberty, Bo. 5, Banga, sakay ng isang Yamaha motorcycle galing sa bayan ng Surallah sa lalawigan ng South Cotabato.


Sa naturang shooting incident, dalawang bading ang agad na namatay na kinilalang sina Wency Estorninos, lending collector at residente ng Prk. Iti, Bgy. Rizal Pob., Banga; at Jenor Deretcho, beautician at residente ng Prk. 3 Bgy. Zone 4, Surallah.


Ang isa namang nakaligtas ay kinilalang si Eugene Caballero, gay beautician at residente ng Bgy. Cabuling, Banga.


Ayon kay PO1 Laila Vencer ng Banga PNP, galing umano sa isang beauty pageant ang naturang mga bading at habang sakay ang mga ito ng isang motorsiklo na may plate no. 3194 sa bahagi ng Upper Liberty sa bayan ng Banga, hinarang sila dalawang hindi nakilalang suspek sakay ng kani-kanilang motorsiklo na may dalang kalibre .45 na baril.


Sinubukang tumakbo palayo ni Estorninos, subalit agad itong binaril ng isang suspek at tinamaan sa likod ng kanyang ulo at tumagos sa kanyang noo na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.


Si Deretcho naman ay binaril din ng isa pang suspek at nagtamo ng multiple gun shot wounds sa kanyang dibdib at tiyan na nagresulta rin sa kanyang agarang pagkamatay.


Ang isa pa nilang kasamang si Caballero ay nakatakbo palayo sa isang palayan at nagtago sa katabing irrigation canal at hindi na ito nakita pa ng mga suspek kaya swerteng nakaligtas.


Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo at upang makilala ang mga suspek sa naturang krimen. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Tatlong beki niratrat, 2 todas


No comments:

Post a Comment