INUGA ng magnitude 4.7 na lindol ang lalawigan ng Bohol kaninang 9:47 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, natukoy ang sentro ng lindol sa layong walong kilometro sa timog-silangan ng Buenavista, Bohol.
May lalim ang lindol na tatlong kilometro at tectonic ang origin.
Naitla ang intensity 5 sa San Maiguel, intensity 4 sa Lapu-lapu City at Buenavista, Bohol habang intensity 3 sa Iloilo City; Bogo City, Cebu; Tagbilaran City; Bacolod City at intensity 1 Pres. Roxas, Capiz.
Sa ngayon ay wala pang napaulat na napinsala o nasaktan sa naturang pagyanig. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment