BUMUHOS ang tinatayang 11,000 pasahero sa iba’t bang terminal ng bus sa Metro Manila area ngayong araw.
Kanya-kanyang gimik na ang mga pasahero para makasakay sa mga bus at makauwi na sa kani-kanilang mga lalawigan.
Ang iba ay matiyagang naghintay at natulog na sa mga bus terminals para sa tiyansang makasakay sa mga bus sa pamamagitan ng chance passenger seat, habang ang iba ay sa kalsada na mismo naghintay at nagbabakasakaling isakay ng mga bus na dadaan.
Ngayong araw ay nasa 11,000 mga pasahero na aasahang pupunta sa Araneta center bus terminal liban pa sa ibang bus terminals na dinarayo din ng mga commuters.
Kampante naman ang LTFRB na walang kakulangan sa units ng mga bus na bibiyahe dahil sapat na ang ibinigay na special permits para sa karagdagang biyahe ngayong Holy week.
Inilunsad na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang oplan “Lakbay Alalay” na magiging gabay ng mga motorista at commuters.
Patuloy naman ang pagdami ng mga mananakay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Aabot sa 53,000 pasahero ang naitala kahapon sa NAIA terminal 3 mas marami sa karaniwang 47,000 kada araw.
Sa dami ng mga mananakay, naitala ang 46 delayed flights.
Dahil dito, pinag-aaralan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kasuhan ang mga kumpanya ng eroplano na laging may delayed flights.
Sa kabilang dako, buhos pa rin naman ang mga mananakay sa Batangas Port para humabol dahil sa oras na ideklarang may public storm signal na sa bansa bunsod ng bagyong Maysak ay hindi na papayagan ang anomang uri ng sasakyang-pandagat na bumiyahe.
Sa ngayon ay mabigat na ang daloy ng trapiko papasok sa nasabing port dahil sa pagbuhos ng maraming pasahero.
Sa Dau Toll sa North Luzon Expressway (NLEX) usad pagong ang mga sasakyan palabas ng Metro Manila kabaligtaran ito sa sitwasyon ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) na kakaunti pa lamang ang mga dumadaan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment