Saturday, March 28, 2015

UERM hospital sa QC, nasunog

BINUBUSISI na ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog na naitala kanina sa University of the East Ramon Magsaysay Hospital sa Aurora Blvd., Quezon City.


sa ulat, pasado alas-3:00 nang bumulaga ang apoy sa administration building ng ospital.


Agad naman itong narespondehan ng BFP at idineklarang fire under control bandang alas-4:25 ng madaling-araw.


Sinasabing ilang computer units at mga gamit sa opisina ang kabilang sa mga natupok.


Gayunman, wala umanong namatay o nasaktan kaugnay ng naitalang sunog.


Masusing iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog kung ito’y sanhi ng faulty electrical wiring dulot ng nabayaang appliances. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



UERM hospital sa QC, nasunog


No comments:

Post a Comment