Tuesday, March 31, 2015

OPO NAMAN, HINDI KAYO HAYUP!

“TAO lang po ako!” Sinabi po iyan ni Pangulong Aquino.


Bakit kaya niya sinasabi ito? NGAYON lang ba niya nalaman?


***


Obvious naman po, Mr. President, na TAO KAYO. At kung tutuusin, kayo po ang pinakamataas na TAO sa BALAT NG LUPA ng Pilipinas.


At saka, wala naman pong nagsasabi na kayo ay HAYUP! Kaya hindi n’yo na dapat IPINALIWANAG.


***


Makalipas ang dalawang buwan, wala pa rin daw kumukuha sa reward ukol sa pagkakapatay sa teroristang si MARWAN.


TAKOT sigurong MAKIDNAP.


***


PARANG tumama sa lotto ang makakukuha ng P200-milyong reward sa pagkakapatay kay Marwan. Manggagaling ang pera sa pamahalaan ng Amerika. Bukod pa sa P7-milyong ibibigay ng pamahalaan ng Pilipinas.


Pero bakit wala pa ring kumukuha? Kasi, kahit para siyang tumama sa lotto. Para na rin siyang NAGPAKAMATAY.


***


SIMULA na ang Mahal na Araw. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ito Mahal na Araw.


Hindi po dahil sa ginugunita ang PAGKAKATUBOS sa atin ng PANGINOONG HESUKRISTO sa mga kasalanan.


Ang Mahal na Araw sa Pilipinas ay araw ng pagsasamantala ng ilang negosyante.


Kapag Mahal na Araw, nangangahulugan ito ng salitang BAKASYON.


Kahit saan pumunta o magbakasyon ay kay MAMAHAL NG BILIHIN. Kay MAHAL ng gasolina. Kay MAHAL ng hotel. Kay MAHAL ng PAMASAHE sa eroplano, barko at kahit pa sa bus.


Pati singil sa toll gate ay kay MAHAL. Kay MAHAL din ng mga pasalubong.


***


Pero sa mga Pinoy, kahit kay MAMAHAL pa ng mga bagay sa paligid ay balewala ‘yan. Basta kasama si MAHAL at iba pang MAHAL SA BUHAY, okey na okey lang.


Kaya sa ating mga kababayang nasa biyahe at bibiyahe, ingat lang po. I-enjoy n’yo lang ang bakasyon. Pero sana, huwag nating kalimutan ang tunay na diwa ng SEMANA SANTA.


Ang MAHAL NA ARAW o SEMANA SANTA ay pag-alala sa sakripisyong ginawa ng ating PANGINONG HESUKRISTO upang iligtas tayo sa mga kasalanan.


Mabuhay po kayo! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


.. Continue: Remate.ph (source)



OPO NAMAN, HINDI KAYO HAYUP!


No comments:

Post a Comment