MULING itinaggi ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang isyu sa kanila ni Jackie Ejercito, ang nag-iisang anak na babae ni ex-President and now Manila Mayor na si Joseph Estrada sa show ni Winnie Monsod na “Pasaway.”
Pero maging si Mareng Winnie pala ay nakakarinig din among her circuit tungkol kay VM Isko and Jackie at hindi lang daw sa Manila City Hall kumakalat ang tsismis sa kanila.
Bukod kay Jackie, sinabi rin ni VM Isko kay Mareng Winnie na hindi raw siya tatakbong Senador sa 2016 election. Umuugong kasi ang balita hindi lang sa Maynila that after ng ikatlong term ni VM Isko ay magle-level-up na ito. Balita rin kasi na posibleng isa sa mga kamag-anak ni ex-President Erap ang hahalili sa kanya bilang Mayor ng Maynila. Kasunod ang tsika na join ulit sa Presidential election si Mayor Erap.
Although, kalat na hindi lang sa Manila na tatakbo talaga si VM Isko as Senador sa susunod na eleksyon. In fact, kahit sa San Juan ay makikita kaming tarpaulin ni VM Isko congratulating the graduates of 2015. And then, tinanong din si VM Isko tungkol sa kanyang mga pag-aari at mga sasakyan. Inamin ni VM Isko na meron siyang networking business at tatlong kotse. Isa rito ang gamit-gamit niya ngayon na luxury car and bullet-proof na Escalada.
Say pa niya, hindi raw sa kanya ang kotse kundi ipinahiram lang sa kanya ni Mayor Erap.
—oooOooo—
Congrats to Megastar Sharon Cuneta for a successful comeback sa ABS-CBN via her new show na “Your Face Sounds Familiar.”
Consistent daw kasi na mataas ang ratings ng show noong pilot episode at sumunod na linggo.
Magandang senyales ‘yan for Mega na baka ngayon pa lang ay inuumpisahan na rin ang pagpaplano para sa susunod na show niya sa Kapamilya network. And this time, isang big solo show na.
Kapag nangyari ‘yan, mapapalagay na talaga ang kalooban hindi lang kay Mega kundi pati na sa kanyang Sharonians. Pero may mga nagsasabi naman sa amin na at least daw si Mega kampante na sa pagbabalik niya sa ABS-CBN. Paano naman daw ‘yung mga staff niya huling show niya noon sa Dos na sumama sa kanya sa paglipat niy sa TV5?
Pilit ikinukumpara si Sharon kay Willie Revillame na hanggang ngayon ay kasa-kasama pa rin ng controversial host mula paglipat niya sa TV 5 from ABS-CBN, and now, sa GMA7 sa bago niyang programa na “Wowowin.”
Sey naman ng iba, unfair naman daw na ikumpara si Mega kay Willie. Magkabang-magkaiba raw sila ng sitwasyon ngayon. Unang-una, si Willie ang producer ng sarili niyang show sa Syete kaya pwedeng-pwede pa rin niya talagang bitbitin ang kanyang buong staff.
Hindi naman daw siguro pakikialaman ng GMA 7 si Willie kung sino ang mga tao niya sa production. Basta ang importante, bayad ni Willie ang timeslot na binili niya sa GMA 7 as blocktimer. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment