MARAMI ang nagsasabi na mas bagay ang ganda at acting ni Rhian Ramos sa ABS-CBN kumpara sa kanyang home studio. Nang makarating ito kay Rhian, kaagad niyang sinabi: “Marami nga ang nagsasabi na i-try ko naman ang ABS-CBN.
“Subukan ko raw ang maging Kapamilya. Pero hindi ko kasi naiisip na lumipat ng ibang station. Pero kapag laging sinaasabi sa iyo na i-try mo naman ang ibang station, na laging sina-suggest na ganoon nga, mapapaisip na rin,” buwelta ni Rhian.
Magtatapos ang kontrara ni Rhian ngayong taon at hindi pa raw niya napag-iisipan kung ano ang susunod niyang hakbang para sa kanyang showbiz career. Ang huli niyang serye sa GMA 7 ay ang My Destiny kasama sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
“Hihintayin ko muna na mag-expire ang contract ko sa GMA, then, doon ko na lang pag-iisipan kung ano ang gagawin ko. Sa ngayon, I`m enjoying my life now sa iba’t ibang bagay,” say pa ni Rhian na mas sumeksi at gumanda.
Ilan sa mga pinagkakaabalahan nga niya ay ang clothing business at ang pangangarera kung saan walang takot makipag-unahan sa pagda-drive.
Kung lovelife naman ang pag-uusapan kay Rhian ay super happy raw siya sa piling ng boyfriend na isang Chinese businessman.
Sabi nga niya na parang ngayon lang daw umaayon ang tadhana sa kanya dahil tahimik at masaya raw talaga ang relationship nila ng boyfriend.
“Hindi ko ini-expect na magkaka-boyfriend ako. Ngayon lang ako nagka-boyfriend ng non-showbiz. Masaya at comfortable ako sa aming relasyon,” pahayag ni Rhian.
Tanong tuloy sa kanya ng press kung susunod na rin siya sa yapak nina Heart Evangelista at Marian Rivera na pareho nang may asawa?
“No! Wala pa sa isip ko yan. Right now, ang business ang iniisip ko. And siyempre, ‘yung pagta-travel abroad. Gusto ko mag-travel nang mag-travel.”
Samantala, kinumusta naman kay Rhian ang kaso nila ni DJ Mo?
Wala na kasing balita tungkol sa mga kasong isinampa nila sa dating boyfriend.
Sagot ni Rhian ay nanalo raw siya sa kaso at hindi na pwedeng lumapit sa kanya ng ilang metro ang dating boyfriend. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment