NAGPADALA ng official statement ang Viva Communications. Inc. producer ng “Felix Y. Manalo: The Last Messenger,” ang historical biopic of Felix Y. Manalo, founder of the Iglesia Ni Cristo (INC) na nagsasabing nag-withdraw na nga si Albert Martinez na siyang gaganap na adult Felix Manalo, upon the request of his manager, Shirley Kuan, on March 9, 2015, para maasikaso nito ang asawang si Liezl na nang panahong iyon ay naka-confine pa sa hospital. Tinanggap ng producer ang kahilingan ni Albert out of compassion.
Hindi man nagbigay ng iba pang detalye ang Viva Communications, balitang tuluy-tuloy na ang shooting ng movie na dinidirek ni Joel Lamangan at nasa cast pa rin si Dennis Trillo as the young and adult Felix Manalo, Bela Padilla as the young wife at si Alice Dixson ang adult wife. Sa June na ang showing ng movie kasabay ng pagdiriwang ng 100th year ng Iglesia Ni Cristo.
* * *
In observance of the Holy Week, walang live presentation ang daily variety show ng GMA 7, ang Eat Bulaga ng TAPE, Inc. Sa halip, mapannood ang anim na episodes ng mga drama series, back-to-back as their Lenten presentations from Holy Monday to Holy Wednesday, 11:30 a.m. to 2:30 p.m.
Sa Holy Monday, March 30, ang first episode ay Biro ng Kapalaran directod by Mark Reyes at tampok sina Ms. Nova Villa, Keempee de Leon, Paolo Ballesteros at Jimmy Santos. Ang second episode ay Lukso ng Dugo directed by Ms. Gina Alajar at tampok sina Ricky Davao, Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, Julia Clarete at Pia Guanio.
Holy Tuesday, March 31, Pangako ng Pag-ibig directed by Jose Javier Reyes at tampok sina Ms. Jaclyn Jose, Luis Alandy, Rocco Nacino, Pauleen Luna at Anjo Yllana. Episode two ang Pinagpalang Ama ni Direk Joyce Bernal at tampok sina Ms. Pilita Corrales, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola at Ryan Agoncillo.
Sa Holy Wednesday, April 1, first episode ang Aruga Ng Puso ni Direk Joyce Bernal at tampok sina Ms. Irma Adlawan, Bianca Umali, Wendell Ramos, Ruby Rodriguez at Marian Rivera. Ang second episode ay Sukli ng Pagmamahal ni Direk Joel Lamangan at tampok sina Ms. Ina Raymundo, Sef Cadayona, Allan K, Tito Sotto at Vic Sotto.
Sa Sabado de Gloria, April 4, tampok naman ang Pag-uwi ng APT Entertainment directed by Marlon Rivera na tampok sina Ms. Chanda Romero, Chynna Ortaleza, Paolo Ballesteros at Alden Richards. Mapapanood ito sa GMA-7 at 7:30 p.m.
* * *
Dala-dalawa ngayon ang ginagawang shows ni Gabby Eigenmann, ang primetime faith serye na Pari Koy at ang Sunday family-drama na InstaDad kaya naman, sasamantalahin niyang ibakasyon naman ngayong Holy Week ang kanyang buong pamilya. Ginagawa ito ni Gabby kapag bakasyon ang mga anak nila ni Apple. Noon ay sa Japan niya dinala ang family niya at ngayon, sa Hong Kong naman gustong pumunta ng mga anak nila dahil sa Hong Kong Disneyland.
Mataas lagi ang rating gabi-gabi ng Pari Koy at naniniwala rin ang GMA-7 na magugustuhan ang youth-oriented show nilang InstaDad na tampok din ang mga gadgets at ang social media.
Mapanonood na ito simula sa Easter Sunday, April 5, 4:30 p.m. Directed by Neal del Rosario, tampok sina Gabbi Garcia, Jazz Ocampo at Ash Ortega as the triplets ni Gabby. Kasama rin si Lotlot de Leon, Juancho Trivino, Prince Villanueva at soon ang makatatambal ni Gabbi sa story. FRONT SEAT/NORA CALDERON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment