SWAK sa kulungan ang isang negosyante matapos mahulihan ng shabu at mga baril sa isinagawang pagsalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis sa bahay nito sa Tuguegarao City, Cagayan kagabi, Marso 30.
Kinilala ni PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Jacinto Mallillin, 37, alyas Jack, may asawa ng Bgy. Atulayan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.
Ayon sa PDEA dakong 10:00 ng gabi sinalakay ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RC2) sa ilalim ni Director Juvenal Azurin, National Bureau of Investigation (NBI) Cagayan Valley Regional Office (CAVRO) at Tuguegarao City Police station hinalughog ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng RTC Branch 1, Tuguegarao City na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek.
Nakumpiska mula rito ang 15 gramo ng shabu na may street value na P45,000, jsang Colt AR-15 cal. 5.56, isang Remington cal. 45 pistol, Pietro Beretta cal. 9mm pistol, ARMSCOR cal. 45 pistol, iba’t ibang uri ng money remittance na resibo, bank transactions, dalawang passbooks at Mitsubishi Montero GLX (WRO-827).
Nakapiit ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bukod sa kasong illegal drugs ay nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms). SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment