KAHIT bumuhos ang malakas na ulan, hindi ininda ng libu-libong tao ang para pumila sa mga lansangan sa Singapore para masilayan sa huling pagkakataon ang kanilang founding leader ni Lee Kuan Yew.
Bilang pagpupugay sa dating prime minister sa state funeral na dinaluhan ng world dignitaries ay binigyan din ito ng 21-gun salute.
Ayon sa mga officials sa Singapore, aabot sa 450,000 katao ang dumalo sa libing ng 91-year old leader at nagsilbing prime minister sa loob ng 31 taon.
Napag-alamang inagahan ng pamilya ang libing dahil bumiyahe pa sila ng 15 kilometro mula sa parliament papuntang National University of Singapore kung saan ginanap ang state funeral.
Matapos ang state funeral service sa University Cultural Centre ay dinala ang labi ni Lee sa Mandai Crematorium para sa pribadong seremonya.
Kabilang sa mga world leaders na dumalo sa state funeral ay sina dating US President Bill Clinton, Indian Prime Minister Narendra Modi, Indonesian President Joko Widodo, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Australian Prime Minister Tony Abbott at UK House of Commons leader William Hague.
Una rito, namatay ang dating prime minister sa Singapore General Hospital bandang alas-3:18 ng madaling-araw noong Marso 23.
Nabatid na mula Pebrero 5 pa nasa ospital ang kinikilala ring “architect of Singapore” dahil sa severe pneumonia.
Ang lider ay ang kauna-unahang prime minister ng Singapore noong 1959 at bumaba ito sa puwesto noong 1990 para bigyan-daan ang kanyang deputy na si Goh Chok Tong na pamunuan ang bansa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment