INAASAHANG magiging ma-ulan ang Luzon at Visayas lalo na sa weekend ng Semana Santa dahil sa bagyong Maysak.
Sa ulat ng PAGASA, lalo pang lumakas at bumilis ang bagyong Maysak habang papalapit sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huli umanong namataan ang bagyo sa layong 2,400 silangan ng Mindanao. Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kph at pagbugsong 170 kph.
Kumikilos ito sa pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph.
Kapag hindi nagbago ang tinatahak na direksyon ay posible itong pumasok sa PAR sa Miyerkules. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment