BILANG paggunita sa Semana Santa, idineklara ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na wala ng pasok ngayong araw (Abril 1) ang mga empleyado sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ayon kay Mayor Estrada, nagdeklara na agad ito na wala ng pasok ngayong Miyerkules Santo ang mga empleyado ng City Hall upang mapahalagahan ng mga ito ang panahon ng Mahal na Araw bukod pa sa karamihan ng mga empleyado ay nais makauwi sa kanilang probinsya.
Balik sa normal ang trabaho ng mga empleyado sa Manila City Hall sa darating na Lunes matapos ang Semana Santa.
Nilinaw naman ni Mayor Estrada na hindi kasama ang mga health workers partikular na ang mga nagpapatakbo sa mga pampublikong ospital ng lungsod ng Maynila sa idineklara nitong walang pasok.
Samantala, half day naman ang mga pasok sa mga empleyado sa hudikatura. JAY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment