NAGPATAY-ILAW ang ilang bahagi ng bansa nitong nakaraang Sabado (Marso 28) para sa Earth Hour.
Alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi nang muling gawin sa bansa ang sabay-sabay na pagpatay ng kuryente.
Sa Quezon City, nag-indakan sa glow-in-the-dark Zumba party ang mga nakiisa sa Quezon Memorial Circle.
Pinangungunahan ng World Wide Fund for Nature (WWF) ang taunang kampanyang naghihikayat sa mga sibilyan, komunidad at mga negosyante na 60-minutong magpatay ng ilaw para makatulong na maibsan ang epekto nito sa daigdig.
Bukod sa makatitipid sa kuryente, layon ng Earth Hour na buksan ang kamalayan ukol sa sustainable energy at pagkilos laban sa climate change. ROBET TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment