Monday, March 30, 2015

4 na probisyon sa BBL, dapat baguhin – Escudero

IGINIIT ni Senador Francis Escudero na dapat baguhin ang apat na probisyon sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na kailangang dumaan sa masusing pagrepaso at maaaring amyendahan ng senado.


Ayon Escudero, apat na probisyon ang kanilang nakikitang dapat baguhin sa BBL tulad na lamang ang pagbibigay ng P75-bilyong paunang pondo para sa bubuuing Bangsamoro Autonomous Region.


Magugunitang bumuo ang Pangulong Noynoy Aquino ng isang peace council na siyang magrerepaso at maglalahad ng mga pagbabago sa BBL na nagkalamat makaraang pumutok ang engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.


Kasunod nito, inamin ni Escudero na nabugbog nang husto ang BBL ngunit hindi aniya ito nangangahulugang mauuwi lamang ito sa kangkungan at naniniwala siyang may pag-asa pang masagip ito sa ibang pamamaraan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



4 na probisyon sa BBL, dapat baguhin – Escudero


No comments:

Post a Comment