Monday, March 30, 2015

Biyahe ng bus, sapat ngayong Semana Santa – LTFRB

IPINAHAYAG ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi kukulangin ang mga bus na bibiyahe ngayong Semana Santa.


Sa harap na rin ito ng pagdagdag ng mga uuwing probinsya para gunitain ang Holy Week at magbakasyon.


Sinabi ni LTFRB Executive Director Roberto Cabrera III na hanggang nitong Sabado, mayroon nang 667 special permits to travel out-of-line ngayong Holy Week ang naaprubahan.


Inaasahang madadagdagan pa ito ngayong araw at posibleng pumalo pa ito sa 700 hanggang 750.


Ginagarantiya naman ni Cabrera na ‘di maiisyuhan ng permit ang mga phase out na bus units at hindi makapapasa sa requirements.


Sa higit 1,000 nag-apply sa permit, nasa 400 umano ang hindi nakapasa.


Kabilang din sa tinitingnan nila sa pag-iisyu ng permit ang pagkakaroon ng insurance ng bus lines. Ani Cabrera, oras na kolorum ang bus, hindi magiging sakop ng insurance ang mga sasakay nito sakaling magkaaberya.


Sa ngayon, nag-iikot sa Araneta Center Bus Terminal si Cabrera kasama si LTO Law Enforcement Services Dir. Roque Verzosa, Jr. para magsuri ng mga bus at bantayan ang sitwasyon.


Aminado si Cabrera na sa ngayon, normal pa ang dating ng mga biyahero dahil posibleng sa Miyerkules pa ito bumuhos kung kailan huling araw ng pasok sa trabaho ng karamihan.


Hangad ng Pangulong Noynoy Aquino ang isang ligtas at maginhawang paglalakbay ng mga biyahero ngayong Semana Santa.


Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, inatasan na nito ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na bantayan ang lahat ng mga expressways papasok at palabas ng Metro Manila. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Biyahe ng bus, sapat ngayong Semana Santa – LTFRB


No comments:

Post a Comment